1. TOP
  2. 火災保険
  3. Bagyo

Bagyo

火災保険 この記事は約 7 分で読めます。 227 Views

May tatlong magkaibang tropical cyclones na umiikot sa kanlurang bahagi ng Pacific Ocean noong Agosto 7, 2006 na pinangalanang Maria, Bopha at Soamai.

 

Ang malakas na hangin sa ibabang bahagi ay lumakas na kalaunan ay naging bagyo.

 

Ang bagyo ay isang malakas na hangin na nabuo sa pagitan ng 180 degrees at 100 degrees E sa hilagang parte nga globo.

 

Ang rehiyon na ito ay tinatawag na Northwestern Pacific Basin, na pinaka aktibong pinagmumulan ng mga bagyo sa  na halos 1/3 ng taonang bagyo sa mundo. Ang Northern Pacific Ocean ay nahahati sa tatlong bahagi: Ang Silangang Bahagi (North America patungo 140 degrees W), Sentro (140 degrees W hangang 180 degrees) at Kanluran (180 degrees hangang 100 degrees E).

 

 Para matukoy ang bagyo,ginawa ang isang organisasyon na tinatawag na Regional Specialized Meteorological Center (RSMC) na naka base sa Japan, kasama ang iba pang tropical cyclone warning center para sa Northwest Pacific na nasa Hawaii na tinatawag bilang Joint Typhoon Warning Center kasama ang Pilipinas at Hongkong.

 

Pinangalan ang mga sistemang ito base sa pangalang binigay ng RSMC kung saan ang listahan ay naka base sa koordinasyon mula sa 18 bansa na may teritoryong pinangangambahan ng bagyo kada taon.

Na iiba ang cyclone at hurricane base lamang sa lokasyon. And hurricane ay isang bagyo na nabuo sa Atlantic Ocean o Northeastern Pacific Ocean, samantalang ang typhoon ay bagyo  mula sa Northwestern Pacific Ocean at ang tropical Cyclone naman ay nabuo mula sa South Pacific o tinatawag din na Indian Ocean.

 

Samantala, karamihan sa bagyo ang nabubuo sa pagitan ng mga buwan nga Hunyo to Nobyembre,  may iilan  na mga bagyo rin naman na nabubuo sa buwan ng Desyembre at Mayo.

 

 Kung susumahin, ang mga malalakas na bagyo  ay masasabing nag mula sa Northwestern Pacific. 

 

Ang Pilipinas ang pinaka naaapektuhan ng mga bayong ito, kasama ang China at Japan na hindi gaano. Iilan sa pinakamalakas at maraming namatay na tao sa bagyo ay nangyari sa China, kung saan sa Southern China rin na itala ang pinakamahabang bagyo na tumama sa rehiyon na may isang libong sampol na dokumento na nasa kanilang archives.

 

ang tropical depression ay ang pinakamababang kategorya na ginagamit ng Japan Meteorological Agency kung saan ang lakas nga hangin ay hindi lalagpas sa 33 knots (38 mph; 61 kph). Kung ang lakas ng hangin ng isang tropical depression ay lalagpas sa 34 knots (39mph; 63kph), nagiging tropical storm na ito kung saan pinangalan din ng JRSMC. Kung ang hangin ay may lakas na ng 48 knots (55mph; 89kph) ito ay tinatawag na bilang severe tropical storm at kapag umabot pa ito ng 64 knots (74mph; 119kph) tatawagin na ito ng JMA na typhoon kung saan ito ang pinakamataas na kategorya.

 

 

Ang Northeast na bahagi ng Pilipinas ay ang pinaka aktibong lugar sa mundo na pinagmumulan ng tropical cyclones. Nangyayari ang mga ito sa buwan ng nobyembre kung saan ang bagyong haiyan na pinakamalakas na bagyo sa Pilipinas ay tumama.

 

Kadalasan na tinatamaan ng mga bagyo ay ang mga lugar sa Northern at Central Luzon at ang Eastern Visayas.

 

Ang pinakamataas na  pinakamalakas na hangin na naitala ay mula sa Bagyong Haiyan na may lakas na 195 miles/hr (314 kph) na nag land sa sentral Luzon noong Nobyembre 8, 2013.

 

Ang pinaka maraming namatay na tao  ng bagyo ay bagyong Nina na nag tala ng halos 100,000 sa China noong 1975 dahil sab aha na nagdulot ng failure sa mga reservoirs.

 

 

 

\ SNSでシェアしよう! /

不動産売却ガイドの注目記事を受け取ろう

この記事が気に入ったら
いいね!しよう

不動産売却ガイドの人気記事をお届けします。

  • 気に入ったらブックマーク! このエントリーをはてなブックマークに追加
  • フォローしよう!